^

Probinsiya

Convenience store hinoldap: Suspek timbog, kahera idinawit

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang isang kahera ng isang convenience store matapos na idawit ng isa sa naarestong suspek sa isinagawang panghoholdap sa bayan Amadeo, dito sa lalawigan nitong Linggo ng umaga.

Hawak ngayon ng Amadeo Police ang naarestong suspek na si alyas “Ricky” sa isinagawang follow-up operation habang tinutugis ang kasamahan nito sa si alyas John.

Sa pagkakaaresto kay alyas Ricky, lumalabas sa imbestigasyon na umano`y kasabwat ang kahera ng convenience store sa Brgy. Tamacan, Amadeo, Cavite.

Sa ulat, bandang alas-5:55 kamakalawa ng umaga nang pumasok sa store ang kahera na si alyas Cherry, kinuha ang halagang P68,000 cash mula sa vault at inilipat sa cashier`s counter.

Ilang sandali lang, dumating ang suspek na si Ricky at sumunod si John saka nagdeklara ng holdap at kinulumbat ang laman ng kaha sa counter saka mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Silang, Cavite.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Ricky at sa pagkakahuli nito ay inginuso nito ang kahera na umano’y siyang nag-facilitate ng access para makuha ang pera.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si alyas John.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with