^

Probinsiya

Rider bumangga sa poste, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider bumangga sa poste, dedo
Idineklarang dead-on-arrival sa opsital ang biktima na kinilalang si Ernesto Pascua Jr., residente ng Naic, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister makaraang sumalpok sa konkretong poste sa gilid ng highway ang minamaneho nitong motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Muzon, bayan ng Naic, dito sa lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa opsital ang biktima na kinilalang si Ernesto Pascua Jr., residente ng Naic, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:45 ng madaling araw habang sakay ang biktima ng kaniyang Rusi motor cycle at bumabagtas patungong Southwest direction nang maganap ang insidente sa Brgy. Muson, Naic.

May kabilisan umano ang patakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo nang mawalan ng balanse at tuluy-tuloy na sumalpok sa malaking poste sa gilid ng kalsada.

Tumilapon ang biktima at nadurog ang mga buto nito sa lakas ng impact kung saan bumagok din ang kanyang ulo sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with