^

Probinsiya

Lady cook nabiktima ng ‘Basag-Kotse’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nabiktima ng Basag-Kotse Gang ang isang empleyada ng resto-bistro sa tapat mismo ng pinagtatrabahuan nitong estabilsimyento at natangay ang pera, cellphone, mga credits cards at iba pang mahahalagang gamit nito, habang naka park kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dulong Bayan, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alexis Crissanda O Estrella, nasa hustong gulang , line cook ng Brick Wood Fire Bistro sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, alas-8:40 ng gabi nang dumating umano si Estrella at ipinark nito ang kaniyang kulay puting Honda  BRV S-CUV, 2021 model, at may plakang NEL 2015 sa tapat mismo ng nasabing bistro kung saan siya nagtatrabaho bilang cook.

Bandang alas-3:45 na ng hapon nang lumabas ang biktima upang mag-break at dito na niya nakita na basag na ang bintana ng kotse sa driver side nito at wala na ang dalawang bag niya na naglalaman ng mga gamit, pera, alahas, cellphone, mga credits cards at IDs.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya at nangangalap na rin ng mga CCTV footage sa lugar na makatulong upang matukoy ang mga suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with