^

Probinsiya

P3.4 milyong droga samsam sa mall parking

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Nalambat ng pulisya ang isang big-time na tulak at dea­ler umano ng droga sa inilatag na buy-bust ope­ration ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking area ng isang kilalang mall sa lungsod ng Bacoor, kahapon.

Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na Jalanin, 38-anyos.  residente ng Brgy 3, Na­sugbu, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng umaga nang ilatag ng PDEA Ca­vite Provincial Office at PDEA 4A RSET 1 ang isang buy-bust laban sa suspek .

Sa Parking C lot ng isang mall sa lungsod ng Bacoor naganap ang buy-bust operation at pagdating ng suspek ay bitbit nito ang isang brown paper na naglalaman ng shabu na ide-deliver nito sa poseur buyer.

Umabot ng 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na aabot sa halagang P3, 400,000.

Nabatid na nagmula pa ng Batangas ang suspek sakay ng kaniyang  2019  Avanza na kulay itim at may plakang NDM 3332 nang duma­ting sa Bacoor City para lang magbenta ng illegal na droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with