^

Probinsiya

Drug dealer timbog P8.1 milyon shabu sa Zamboanga

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines —  Nasamsam ng mga pulis ang may P8.1 mil­yon na halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug dealer sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Biyernes, May 24, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga pulis ang suspect, si Jul-Akmad Abbo Eling, 36-anyos, matapos silang bentahan ng 1.2 kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P8.1 milyon sa isinagawang drug operation sa Upper HB Home sa Barangay Sinunuc.

Ayon kay Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, naikasa ang naturang entrapment sa tulong ng tanggapan ni Mayor John Dalipe, chairperson ng Zamboanga City Peace and Order Council.

Nahaharap na si Eling sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Masauding.

Inaalam na rin ng mga intelligence agents ng PRO-9 kung sino ang mga contacts ni Eling sa Zamboanga City at mga kalapit na probinsya sa Region 9 at sa Bangsa­moro region.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with