^

Probinsiya

80 bisita sa kasal ‘nalason’ sa ginataang manok

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
80 bisita sa kasal �nalason� sa ginataang manok
Kabilang ang mga bata sa mga ginagamot na sa mga hospital matapos umanong malason sa kinaing ginataang manok na inihanda sa isang tradisyunal na kasalan sa South Upi, Maguindanao del Sur.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 80 na bisita sa kasal na karamihan ay miyembro umano ng etnikong Teduray indigenous community ang isinugod sa ospital matapos na magsisakitan ng tiyan, magsuka at mahilo dahil sa pagkain ng ginataang manok na inihain sa kasalan sa Sitio Fanang, Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.

Ayon kay Dr. Mohammad Ariff Baguindali, hepe ng Integrated Provincial Health Office of Maguindanao, agad na rumesponde ang rescue teams at health officials mula Rural Health Unit Hospital sa South Upi, Maguindanao del Sur at Datu Blah Sinsuat District Hospital sa Upi, Maguindanao, del Norte sa mga indibiduwal na pinaniniwalaang biktima ng food poisoning sa nasabing lugar.

Sa RHU South Upi isinugod ang 65 na pasyente kabilang ang mga bata habang sa Batu Blah Hospital naman ang 15 na iba pa.

Sa sobrang dami ng mga pasyente, sa labas na lang umano ng pagamutan sa South Upi ginagamot ang ilan sa kanila.

Humingi na ng medical support ang mga local officials sa South Upi para sa mga biktima ng food poisoning sa Maguindanao del Sur Integrated Provincial Health Office at Bangsamoro Health Ministry.

Sa report na tinanggap ni South Upi Mayor Reynalbert Insular, matapos na makakain ng ginataang manok ang mga dumalo sa kasal ay bigla silang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka kaya mabilis na isinugod sa nasabing mga ospital.

Hinala ng otoridad, posibleng dahil sa mainit na panahon ay agad napanis ang ginataang manok na inihanda sa kasal dahilan upang sumakit ang tiyan ng mga bisitang kumain nito.

vuukle comment

MAGUINDANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with