^

Probinsiya

Tiyo ng Army major, natagpuang patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay na nang matagpuan ang tiyuhin ng isang opisyal ng Philippine Army sa isang bakanteng lote kamakalawa ng gabi sa Coastal Bay Subdivision, Phase I, Brgy. San Rafael IV, bayan ng Nove­leta, dito sa lalawigan.

Ang biktima ay kinilala sa alyas na “Chard”, nasa hustong gulang, careta­ker ng isang ginagawang bahay na pag-aari ng pamangkin nito na isang Army Major.

Sa ulat, alas-11:47 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang security guard ng nasabing lugar hinggil sa diumano’y may isang lala­king natagpuan na wala nang buhay sa bakanteng lote ng nasabing subdivision.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, umaga ng nasabing araw nang huling makitang buhay ang biktima.

Kasalukuyang isinailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay nito.

Habang nangalap na rin ng mga CCTV footage ang pulisya sa pagkakakilanlan ng posibleng suspek sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with