^

Probinsiya

Mulanay, Quezon Province muling idineklara na ‘insurgency free’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MULANAY, Quezon, Philippines — Muling idineklara ng pamahalaang lokal ng Mulanay, Quezon ang pagiging “insurgency-free” ng munisipalidad, sa isinagawang Renewal of Commitment on Stable Internal Peace Security (SIPS), kamakalawa. 

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga kinatawan ng PNP, AFP, DILG, at iba pang mga tanggapan ng gobyerno.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Mulanay Mayor Aris ­Aguirre ang mga ahensya na naging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagkamit ng kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Mulanay.

Ang insurgency-free status ay idinedeklara sa mga lugar kung saan mapapatunayang wala nang presensya o impluwensiya ng mga rebeldeng grupo gaya ng CPP-NPA. 

Matatandaan na noong nakaraang taon, tinambangan ng New People’s Army (NPA) na nakabase sa Bicol Region ang mga nagpapatrol­yang tropa ng military, sa boundary ng Tagkawa­yan, Quezon at Cama­rines Norte matapos ideklara ng AFP Southern Luzon Command at PNP na “insurgency-free” na ang lalawigan. 

Ang naturang ambush ay nagresulta sa pagkasawi ng limang myembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

vuukle comment

AFP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with