^

Probinsiya

Beybi laglag sa salbabida, lunod sa pool

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Beybi laglag sa salbabida, lunod sa pool
Stock image of a baby's hand.
Image by Myléne from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang isang sanggol nang malunod matapos na sumingaw at tumagilid ang sinasakyan nitong salbabida makaraang iwanan mag-isa sa isang swimming pool sa Rodriguez, Rizal, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Naisugod pa sa H-Vill Hospital ang biktimang si baby Kyle John, 1-taong gulang, at residente ng Batasan Hills, Quezon City ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong ala-1:00 ng hapon ng Mayo 3 nang maganap ang insidente pero alas-8:10 ng umaga lamang kama­kalawa nang maiulat ito sa mga pulis.

Kasalukuyan umanong nagsu-swimming ang pamilya ng biktima sa loob ng Emi­lianas Resort sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal nang magpasya ang mga magulang ng bata na isakay ito sa isang salbabida.

Sa pag-aakalang ligtas ang anak dahil nakasakay sa salbabida, iniwanan itong mag-isang nakalunoy sa swimming pool.

Nang aksidenteng sumingaw ang gamit nitong salbabida kung kaya lumubog ang biktima na hindi agad napansin ng pamilya nito.

Lumalabas na sumi­ngaw umano ang hangin ng salbabida habang nakasakay ang bata na hindi napansin ng kanyang pamilya sanhi upang tumagilid ito hanggang sa mahulog ang beybi sa tubig at malunod.

Nang makita naman ng mga kaanak na nawawala na ang bata ay kaagad na nilang hinanap hanggang sa matagpuang nakalubog na sa ilalim ng swimming pool. - Cristina Timbang

vuukle comment

H-VILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with