^

Probinsiya

Ama patay, anak sugatan sa pagsabog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ama patay, anak sugatan sa pagsabog
Makalipas ang  ilang oras sa ospital, binawian ng buhay ang biktimang si Remy Libo-on, habang patuloy pang nagpapagaling ang anak nitong si Arnel, 34, residente ng Purok Lomboy, Barangnay Oringao nasabing lugar.
STAR/File

Habang namumulot ng uling

MANILA, Philippines — Isang 58-anyos na tatay ang namatay habang sugatan ang anak nito nang isang pagsa­bog ang naganap sa Kabankalan City, Negros Occidental nitong Lunes ng gabi.

Makalipas ang  ilang oras sa ospital, binawian ng buhay ang biktimang si Remy Libo-on, habang patuloy pang nagpapagaling ang anak nitong si Arnel, 34, residente ng Purok Lomboy, Barangnay Oringao nasabing lugar.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Roberto Indiape Jr., hepe ng Kabankalan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi nitong Lunes.

Nagsasako ng uling ang mag-ama nang bigla na lang may sumabog na nagresulta sa pinsala sa katawan ng mag-ama.

Mabilis namang isinugod sa Lorenzo D. Zayco District Hospital sa Kabankalan City ang mag-ama subalit nitong Martes ay nasawi ang padre de pamilya dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagsabog at patuloy ang kanilang imbestigasyon hinggil sa insidente.

vuukle comment

NEGROS OCCIDENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with