^

Probinsiya

Kagawad sa Negros Occ. Pinabulagta

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay kagawad sa La Castellana, Negros Occidental nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek nitong Miyerkules ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Reynaldo Jacolbe, 49, residente ng Sitio Tayubong, Barangay Puso ng naturang bayan.

Batay sa report ng La Castellana Municipal Police, bandang alas-8 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Canorong, Barangay Puso ng nabanggit na bayan. Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang sakahan nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar, nakarekober sila ng mga basyo ng bala mula sa caliber 9mm at caliber .45.

vuukle comment

LA CASTELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with