^

Probinsiya

Bebot, 1 pa inutas sa ‘onsehan sa droga’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bebot, 1 pa inutas sa �onsehan sa droga�
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nakikilala ang dalawang biktima na isang lalaki na nakasuot ng gray jacket, gray shorts at may taas na 5’2 habang ang isa pa ay isang babae na nakaitim na jacket, camouflage na short pants at may taas na 4’11.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Dalawa ang natagpuang patay kabilang ang isang babae dahil sa posibilidad na onsehan sa droga sa isang construction site ng itinatayong tulay sa Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nakikilala ang dalawang biktima na isang lalaki na nakasuot ng gray jacket, gray shorts at may taas na 5’2 habang ang isa pa ay isang babae na nakaitim na jacket, camouflage na short pants at may taas na 4’11.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw nang makarinig umano ng sunud-sunod na putok ang ilang tenants malapit sa may Pala-Pala Bridge ng nasabing lugar.

Agad na itinawag sa barangay at pulisya ang insidente na agad nirespondehan. Pagdating nila sa nasabing lugar, nadatnan nila ang dalawang biktimang nakahandusay at kapwa duguan na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober din sa dalawang bangkay ang isang cal 38 revolver, sachet na naglalaman ng shabu, timbangan ng droga at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

PALA-PALA BRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with