^

Probinsiya

P145.5 milyong shabu nakumpiska sa Zamboanga, 4 timbog

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
P145.5 milyong  shabu nakumpiska sa Zamboanga, 4 timbog
ng apat na suspek habang iniimbestigahan matapos makuhanan ng 21-kilong shabu na nasa P145.5-milyon ang halaga sa buy-bust operation ng PDEA sa Brgy. Mampang, Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Aabot sa P145.5 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan mula sa apat na hinihinalang kasapi ng big-time drug ring sa Sallam Drive ng Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.

Mismong si Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement Agency 9, ang nagkumpirma nitong Biyernes sa pagkasamsam ng 21-kilong shabu mula sa mga naarestong suspek na sina Wilson Sahiban, 25-anyos, Junjimar Hajili Aiyob, 29-anyos, Jimmy Sahibol, 30-anyos at 27-anyos na si Abdurahman Abdulhakim sa kanilang entrapment operation nitong gabi ng Huwebes sa Barangay Mampang.

Ayon kay Gadaoni-Tosoc, hindi na pumalag pa sina Sahiban, Aiyob, Sahibol at Abdulhakim nang arestuhin ng mga hindi unipormadong PDEA-9 agents matapos silang bentahan ng 21 kilong shabu, nagkakahalaga ng P145.5 million, sa naturang entrapment operation.

Ayon kay Gadaoni-Tosoc, agad nilang kakasuhan ang apat na suspects ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gamit ang 21 kilong shabu na nakuha sa kanila bilang ebidensya.

Malaki ang naitulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kina Sahiban, Aiyob, Sahibol at Abdulhakim, ayon kay Gadaoni-Tosoc.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with