^

Probinsiya

Mag-live in partner, patay sa holdap!

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in partner, patay sa holdap!
Kapwa duguan at wala nang buhay na nakabulagta nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina Rey Gonzales, 54-anyos, may barbecue business at kanyang partner na si Elvie Cari–o, 46, kapwa residente ng Town and Country West, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Kapwa patay ang mag-live in partner na mamalengke lang sana para sa kanilang negosyo matapos holdapin at pagbabarilin ng ‘di kilalang mga suspek, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Kapwa duguan at wala nang buhay na nakabulagta nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina Rey Gonzales, 54-anyos, may barbecue business at kanyang partner na si Elvie Cari–o, 46, kapwa residente ng Town and Country West, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente ng pagpatay sa mag-live in partner.

Sakay umano ang dalawa ng kanilang tricycle na Honda TMX na may plakang 224OLH at nagtungo sa Zapote market upang mamili ng mga gagamitin sa kanilang negosyong barbekyuhan.

Habang bumabagtas ang mga biktima sa Zaragosa St. ay bigla silang hinarang ng mga ‘di nakilalang suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang dalawa.

Ayon sa saksi na itinago sa pangalang Sed, narinig umano niya ang sunud-sunod na putok kung kaya mabilis siyang nagtu­ngo sa lugar, at nakita niyang nahandusay na ang mag-asawa. Lalapitan umano sana niya ito upang tulungan subalit isa sa suspek na lalaki ang bumaril sa kanya kung kaya mabilis siyang nagtatakbo.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, holdap ang motibo sa pamamas­lang sa dalawang negosyante dahil sa nawawala na ang kanilang bag ng mga biktima na naglalaman ng perang mahigit sa P40,000.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin.  

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with