^

Probinsiya

Magdyowa kinatay, lalaking biktima hinulog sa condo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa kinatay, lalaking biktima hinulog sa condo
Nagtamo ng 9 na saksak sa katawan, at wasak din ang mukha ng biktimang si Jeff Predas, residente ng Parañaque City habang nagtamo rin ng mga saksak si Jennifer Chavez, ng Cavite City.
STAR/File

Dumayo sa Davao para manood ng concert

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng mag-live in partner na pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at inihulog pa ang lala­king biktima mula sa 6th floor ng condominium sa Davao City.

Nagtamo ng 9 na saksak sa katawan, at wasak din ang mukha ng biktimang si Jeff Predas, residente ng Parañaque City habang nagtamo rin ng mga saksak si Jennifer Chavez, ng Cavite City.

Nabatid na bumisita lang ang mga biktima sa Davao upang manood ng concert na “We the Kings” sa SMX Lanang.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na umupa ng condo unit na nasa ikatlong palapag ng condo si Chavez dakong alas-11 ng tanghali habang sumunod na dumating si Predas dakong alas-6 ng hapon.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Director PCol. Richard Bad-ang, intact ang mga gamit ng mga biktima kabilang ang pera at IDs kung kaya inalis na ng pulisya ang anggulong pagnanakaw na motibo sa krimen.

Nakita rin ang kut­silyo sa loob ng condo unit.

Ani Bad-ang, isa sa kanilang tinitignang anggulo ay “crime of passion”.

“One of the motives that we are looking at is the crime of passion and anger isa. Why is it ang lalaki may stab wounds kung nahulog man siya dito sa 6th floor kasi may nakitang fingerprint at may nakitang bakas ng dugo it seems nandon siya nahulog. However ‘yung paakyat sa 6th floor from the room [sa third floor] wala kang makikitang traces ng dugo. It seems may gumawa ng krimen binuhat ang lalaki at hinulog doon sa baba,” dagdag pa Bad-ang.

Nabatid kay Ba­d-ang na may dalawa silang “persons of interest” sa krimen. Isa rito ay ang nag-book ng condo na humarap na sa pulisya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with