^

Probinsiya

Truck tumaob: 12-anyos dedo, 8 kaanak sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Galing sa birthday outing

MANILA, Philippines — Patay ang isang 12-anyos na babae habang walong miyembro ng pamilya nito ang sugatan makaraang aksidenteng tumaob ang sinasakyan nilang truck sa highway ng Brgy. Isio, Cauayan, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni P/Lt. Col. Gary Alan Resuma, hepe ng Cauyan Police, bandang alas-8 ng gabi nang mangyari ang sakuna kamakailan sa nasabing lugar. Gayunman, hindi tinukoy sa report ng nasabing opisyal ang mga pangalan ng nasawi at nasugatang mga biktima.

Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay pauwi na sa kanilang tahanan galing sa seleb­rasyon ng kaarawan ng kanilang kamag-anak sa Ilog, Negros Occidental.

Pagsapit sa lugar, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa malubak ito at tuluyang bumaligtad ang minamanehong truck.

Dahil dito, naipit ang batang babae na naisugod pa sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang kaniyang mga kapamilya.

Lumilitaw na maliban sa dalagita ay nasa impluwensya umano ng alak ang mga biktima.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with