^

Probinsiya

6 patay sa lunod sa summer outing

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
6 patay sa lunod sa summer outing
Naitala ang unang insidente ng pagkalunod sa Tanza, Cavite, dakong alas-2 ng hapon nang mag-dive sa malalim na bahagi ng ilog ang 13-anyos na si Zyrus Vin Quizil, estudyante, ng Sprintown Villas, Tanza, Cavite, matapos na magkayayaan silang magkakaibigan na mag-swimming sa lugar. Hindi na siya lumutang at matapos ang isang oras na retrieval operation ay narekober ang katawan nito na wala nang buhay. 
STAR/File

CAVITE, Philippines — Anim katao ang patay kabilang ang apat na menor-de-edad matapos na malunod sa isinasagawang summer outing sa magkakahiwalay na lugar sa Calabarzon.

Naitala ang unang insidente ng pagkalunod sa Tanza, Cavite, dakong alas-2 ng hapon nang mag-dive sa malalim na bahagi ng ilog ang 13-anyos na si Zyrus Vin Quizil, estudyante, ng Sprintown Villas, Tanza, Cavite, matapos na magkayayaan silang magkakaibigan na mag-swimming sa lugar. Hindi na siya lumutang at matapos ang isang oras na retrieval operation ay narekober ang katawan nito na wala nang buhay. 

Alas-4 ng hapon nang malunod naman ang dalagang si Rachel Egat Asestre, 24, factory worker ng Calamba City, nang mag-swimming sa Bunga Falls sa Nagcarlan, Laguna kasama ang mga katrabaho.

Pagkadating pa lamang umano sa nasabing falls ay naligo at lumusong agad ang biktima sa tubig at hindi na rin nakaahon. Matapos ang isang oras na paghahanap ng mga volunteer lifeguards, narekober sa malalim na bahagi ng falls ang biktima na patay.

Sa Calauan, Laguna, nalunod rin sa swimming pool ang 6-taong gulang na si Sean Cartina, estudyante, ng Purok 3 Victoria. Laguna sa family outing sa Lucidel Resort ng Brgy. Bangyas. Alas-11 ng umaga nang makita sa ilalim ng swimming pool ang katawan ng bata ng kanyang ama.

Dakong alas 2:10 naman ng hapon nang malunod sa ilog ang 7-anyos na si Rhenz Natham Buetta nang maligo kasama ang kanyang tiyo sa Juan River sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas.

Wala na ring buhay nang matagpuan ang katawan ni Erwin Cabigting Amarillo, 38, construction worker ng Angeles City, Pampanga nang mag-swimming umano na lasing, kasama ang mga katrabaho at pamilya sa seawall ng Purok Kanluran sa Brgy. Talao-talao, Lucena City, Quezon. Matapos ang isang oras, natagpuan ang katawan nito na palutang-lutang, may 10 metro ang layo mula sa kanyang pinaglanguyan. 

Patay rin ang 4-anyos na si Faith Miranda, taga-Brgy Concepcion, San Simon, Pampanga nang malunod sa swimming pool sa family outing sa Abaksa Beach Resort sa Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas. Naitakbo pa siya sa Batangas Provincial Hospital subalit idineklara nang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with