^

Probinsiya

70-anyos kinatay sa kubo ng kapitbahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
70-anyos kinatay sa kubo ng kapitbahay
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Ruben Ladan, residente ng Sitio Lower Curayao, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal habang nakatakas ang suspek na si alyas “Franklin”,’48-anyos, na kapitbahay ng biktima.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 70-anyos na magsasaka ang patay nang katayin ng kanyang kapitbahay, na una niyang sinugod at tinaga, sa Rodriguez, Rizal kama­kalawa.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Ruben Ladan, residente ng Sitio Lower Curayao, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal habang nakatakas ang suspek na si alyas “Franklin”,’48-anyos, na kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa kubo ng suspek, kapitbahay ng biktima.

Nauna rito, sa ‘di pa batid na kadahilanan ay bigla na lang umanong sinugod ng lasing na biktima, na armado ng itak, ang suspek na noon ay nagpapahinga sa kanyang kubo.

Nauwi ang insidente sa mainitang pagtatalo hanggang sa tagain umano ng biktima ang suspek.

Nagawa naman ng suspek na maagaw ang itak at gumanti ng taga sa biktima. Nang makitang napuruhan ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with