^

Probinsiya

Shabu dealer todas sa P13.6 milyong drug operation

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Shabu dealer todas sa P13.6 milyong drug operation
Kinumpirma nitong Linggo ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, ang pagkamatay sa engkuwentro ni Pailan Sahali Jumali nang manlaban matapos mapunang mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ang kanyang katransaksyon at nabentahan ng dalawang kilong shabu sa Barangay Tanduh Batu sa Luuk, isa sa 18 na mga bayan sa Sulu.
STAR/File

1 residente nasapol ng ligaw na bala

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang hinihinalang drug dealer habang isang sibilyan ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala nang mauwi sa shootout ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (PDEA-BARMM) at matagumpay na nakasamsam ng P13.6 milyon na halaga ng shabu sa Luuk, Sulu nitong Sabado.

Kinumpirma nitong Linggo ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, ang pagkamatay sa engkuwentro ni Pailan Sahali Jumali nang manlaban matapos mapunang mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ang kanyang katransaksyon at nabentahan ng dalawang kilong shabu sa Barangay Tanduh Batu sa Luuk, isa sa 18 na mga bayan sa Sulu.

Ayon kay Castro, isang inosenteng residente ng Barangay Tanduh Batu na kinilalang si Julpuri Wadih Sailabbi, ang tinamaan ng bala sa naturang insidente na ginagamot na sa ospital.

Ayon kay Castro, naikasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng may P13.6 milyong halaga ng shabu mula sa napaslang na si Jumali, sa tulong nina Sulu Gov. Hadji Adbdusakur Mahail Tan at Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn.

Magkatuwang na ina­alam na ng mga kasapi ng PDEA-BARMM, mga intelligence agents ng Sulu Provincial Police Office at Luuk Municipal Police Station ang mga kasabwat ni Jumali sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu sa lalawigan at karatig bayan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with