^

Probinsiya

1 NPA rebel utas, 3 arestado, 1 pa sumurender

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 NPA rebel utas, 3 arestado, 1 pa sumurender
Ayon kay Major Mark Anthony Tito, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), alas-8:49 ng umaga kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng Army’s 48th , 56th at 27th Infantry Battalion kasama ang Quezon Municipal Police Station (MPS) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa Purok 8, Brgy. Butong ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang tatlo ang nasakote at isa pa ang sumuko sa naganap na engkuwentro sa Brgy. Butong, Quezon, Bukidnon kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Major Mark Anthony Tito, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), alas-8:49 ng umaga kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng Army’s 48th , 56th at 27th Infantry Battalion kasama ang Quezon Municipal Police Station (MPS) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa Purok 8, Brgy. Butong ng lalawigan.

Kinilala ni Tito ang napatay na si alyas Rica/Tomboy, Logistics Officer ng Guerilla Front 57 ng NPA na narekober ang bangkay sa encounter site.

Naaresto naman ang mga kasamahan nitong sina alyas Sopia, alyas Kyle at alyas Joshua matapos masukol ng security forces habang nakatakas naman ang iba pa ng mga itong kasamahan.

Sinabi ng opisyal na nasabat ng security forces ang grupo ng mga rebelde na nauwi sa matinding bakbakan na tumagal ng may sampung minuto na ikinasawi ni alyas Ka Rica/Tomboy.

Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle na nakakabit sa M203 grenade launcher, isang AK 47 rifle, isang M1 carbine rifle, isang cal. 45 pistol, tatlong backpacks,isang anti-personnel mine, isang hand grenade, dalawang 40 MM high explosives at subersibong dokumento.

Nabatid na si alyas Ka Rica ay may mga warrant of arrest of arrest sa kasong murder, multiple attempted homicide at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

Samantalang, alas-3:00 ng hapon nang sumuko ang isa pa na kinilala sa alyas na Ka Del bitbit ang kaniyang armas na isang M16 rifle.

Inihayag ni Brig. Gen. Marion Angcao, Commander ng Army’s 1003rd Infantry Brigade na ang mga na-neutralisang NPA ay ang mga nalalabing kasapi ng Southern Mindanao Regional Committee.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with