23 kumandidato at supporters kinasuhan ng vote-buying
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa 23 na kumandidato sa iba’t ibang posisyon at kanilang mga tagasuporta ng nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Albay ang sinampahan ng kasong “vote buying”.
Ayon kay Comelec-Albay provincial officer Atty. Maria Aurea Bo-Bunao, pinakamaraming nasampahan ng kaso ay mula sa islang bayan ng Rapu-Rapu na 12; isang nanalong barangay chairman at isang nanalong SK chairman ang parehong kinasuhan ng vote buying habang walong hindi kandidato o mga supporter naman ang sinampahan ng kaparehong paglabag.
Sa Legazpi City ay siyam ang kinasuhan ng pamimili ng boto kung saan isa ang nanalo pang barangay chairman, apat na nanalong kagawad habang apat ang natalong barangay kagawad. Dalawa naman ang sinampahan sa Ligao City na isang nanalong punong barangay at isang supporter.
Ani Bunao, kapag napatunayan ang mga ito lalo na ang mga nanalo maliban sa hindi sila makakaupo sa posisyon ay makukulong pa ng hindi bababa ng isang taon at hindi lalampas ng anim na taong pagkakakulong na walang probation; at aalisan sila ng karapatang kumandidato muli, umupo o humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at pati karapatan sa pagboto.
- Latest