40 pamilya sa Koronadal City lumikas dahil sa pagbaha
MANILA, Philippines — Nasa 40 pamilya ang inilikas sa isang mataas na barangay matapos na makaranas ng landslide at mudflow bunsod ng malakas na buhos ng ulan nitong Martes ng gabi sa Koronadal City.
Ayon kay Cyrus Urbano, city disaster risk reduction and management officer, na nilikas ng mga pamilya ang kanilang mga tahanan bandang alas-9:00 ng gabi ng Martes nang mapuno ng mga bato at putik ang mga kalsada patungo sa Barangay Assumption dahil sa landslide.
Pansamantalang tumuloy sa evacuation center sa Barangay Sta. Cruz ang mga apektado habang patuloy ang paglilinis sa apektadong barangay.
Wala namang naiulat na nasawi ngunit ang mga taganayon na karamihan ay mga magsasaka sa kabundukan, ay nawalan ng mahahalagang kagamitan.
Dahil sa magdamag na malakas na pagbuhos ng ulan, sinuspinde rin ng mga kalapit na bayan ng Banga, Norala, Surallah, at Tboli ang mga klase sa elementarya at high school level.
- Latest