2 todas sa pananaksak sa Araw ng Pasko
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang babae at lalaki sa magkahiwalay na insidente nang pananaksak sa Antipolo City, Rizal sa araw ng Pasko.
Sa ulat kamakalawa ng pulisya, isang babae ang sinaksak ng kaniyang stepson matapos umanong mag-away tungkol sa gastusin sa bahay sa Barangay Cupang.
Bago mangyari ang krimen, magkainuman pa umano ang biktima at ang suspek na humantong sa pagtatalo hanggang sa mauwi sa krimen.Tumakas ang suspek na pinaghahanap na ng mga otoridad.
Samantala,ang ikalawang insidente ay isang tricycle driver ang pinagsasaksak at napatay papasok na sana sa kaniyang bahay sa Barangay San Jose.
Tatlo sa apat na suspek ang naunang naaresto, at sumunod na nadakip sa follow-up operation ang mismong sumaksak sa biktima.
- Latest