Mga paputok at pyrotechnics total ban sa Bolinao
BOLINAO, Pangasinan, Philippines — Total ban ang mga uri ng paputok at pyrotechnics sa bayang ito ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa executive order No.70 series of 2024 na pinirmahan ni Mayor Alfonso Celeste noong December 20 na pinoste ng disaster risk reduction and management council (DRRMC) social media page nitong linggo ay paiiralin ang total ban sa paggawa, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices sa baying ito.
Si Celeste, na isang medical doctor, na ang kanyang kautusan na total ban ng firecrackers at pyrotechnic devices sa kanyang bayan ay para sa kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.
Na ang order na nakasaad sa Republic Act 7183 na kilala sa “Firecracker Law” ay nagbabawal sa pagbebenta, distribusyon, paggawa at paggamit ng mga firecrackers at pyrotechnic devices sa bansa ay upang masigurong ang kaligtasan ng mamamayan.
Nakahadang kumpiskahin ang mga paputok ng PNP o BFP mula sa seller o users sa paglabag sa Executive Order.
- Latest