Drug dealer tiklo sa P3.4 milyong shabu
COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang P3.4 milyon halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat sa Barangay Kabuntalan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Miyerkules.
Sa pahayag kahapon ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region,nakapiit na sa isang detention facility ang suspek na si Loloh Sakilan Ali,residente ng Barangay Tugal sa Talitay, Maguindanao del Norte.
Ayon kay Macapaz, agad na inaresto si Ali ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, matapos silang bentahan ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 milyon, sa isang operasyong nailatag sa tulong ng mga barangay officials at mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain.
Nakumpiska rin ang motorsiklong Suzuki Raider 125 na gamit ni Ali sa paghahatid ng shabu sa mga contacts sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Norte at mga karatig na mga barangay sa Cotabato City.
- Latest