Criminology student tepok sa kidlat, 2 pa sugatan
MANILA, Philippines — Isang criminology student ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan nitong Lunes sa Southern Leyte.
Namatay habang ginagamot sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) sa Tacloban City si Jundel Suganob, habang inoobserbahan sina Alexis Baron de Vera, 20, at Cear Cruzada Batas, 21; kapwa criminology student sa St. Joseph College sa Maasin City.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Southern Leyte, dakong alas-6 ng hapon habang nagsasagawa ng kanilang annual criminology week activities ang mga estudyante sa Sunken Garden sa provincial capitol grounds nang bigla na lamang bumuhos ang pabugso-bugsong ulan na may kasamang malakas na hangin, kulog at kidlat.
Tumama ang malakas na kidlat na puno subalit nahagip ang tatlong biktima na agad namang isinugod sa nabanggit na ospital.
- Latest