^

Probinsiya

Trike sinalpok ng van: Lolo dedo, 5 kritikal

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trike sinalpok ng van: Lolo dedo, 5 kritikal
Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na na­ging sanhi ng kanyang kamatayan ay kinilalang si Victorino Delos Santos, 70- anyos, may-asawa.
STAR/ File

GUMACA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang lolo habang nasa kritikal na kondisyon ang limang iba pa makaraang banggain ang kanilang sinasakyang tricycle ng kasalubong na van sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Villa Padua sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na na­ging sanhi ng kanyang kamatayan ay kinilalang si Victorino Delos Santos, 70- anyos, may-asawa.

Patuloy namang inoobserbahan sa Gumaca District Hospital at RAKK Hospital sina Danbert Villapando, 2-anyos; Aileen Amolar, 35; Senen Delos Santos, 69; Jacinto Valderama, 49, at Jose Serjuelas, 58; pawang mga residente ng Barangay Camohaguin.

Ayon sa pulisya, bandang alas-3:00 ng hapon habang sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Serjuelas at tinatahak ang highway patungo sa isa nilang kaanak nang pagsapit nila sa kurbadang bahagi ng highway ay bigla silang binangga ng kasalubong na Hyundai Shuttle van na minamaneho ni Jeremie Lorena, 37, binata ng Tanauan, Batangas.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagkayupi-yupi ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima na naging dahilan ng ma­tinding pinsala na kanilang inabot sa katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resul­ting in homicide and multiple serious physical injuries ang driver ng van.— Joy Cantos

GUMACA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with