Opisyal ng ISIS-East Asia 'napatay ng militar' sa Maguindanao
MANILA, Philippines — Napatay ng Joint Task Force Central ng Western Mindanao Command ang diumano'y tagapagsalita ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) sa isang joint operation sa Maguindanao.
Ito'y ayon sa ulat na in-authenticate ni Maj. Andrew Linao, officer-in-charge ng Westmincom public information office, na nangyari raw nitong Lunes ng hapon.
"Joint elements of the 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, and the intelligence units conducted a special operation at Crossing Salbo, Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao," ayon sa pahayag na ipinadala sa media ngayong Martes.
"The operation resulted in the death of Abdulfatah Omar Alimuden, a.k.a. Abu Huzaifah."
Maliban sa pagiging tagapagsalita ng ISES-EA, sinasabing siya rin ang namamahala sa financial transactions ng Daulah Islamiyah-Philippines sa ISIS Central.
Pinarangalan ni Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr. ang mga tropang nakapuksa kay Abu Huzaifah para sa accomplishment na ito at inudyok silang ipagpatuloy ang nasimulan.
Dati nang naibabalitang may presensya ng ISIS sa Pilipinas, gaya na lang noong Marawi Seige na siyang ikinamatay nang pagkarami-rami. — James Relativo
- Latest