^

Probinsiya

Negosyanteng lola pinagsasaksak ng holdaper, P.1 milyong cash tinangay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Agaw-buhay ang isang 62-anyos na negos­yanteng babae matapos pagsasaksakin ng isang holdaper at tinangay ang kanyang P100,000 cash sa may Riverview Drive, Brgy. San Nicolas ng lungsod na ito, ka­makalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Elizabeth Peralta Acosta, 62, may-asawa ng nasabi ring barangay, at ginagamot ngayon sa Good Samaritan Hospital, dito.

Naaresto naman ng Patrolya ng Bayan ng Gapan Police ang suspek na si Johnver Gonzales alyas “Amboy”, 22, binata, isang salted egg-maker at kabarangay ng biktima. Sa ulat, alas-9 ng umaga habang naglalakad ang lola sa Ri­verview Drive nang bigla umanong sumulpot ang nakaabang na suspek sa likuran nito saka siya inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Duguang bumagsak ang biktima, at mabilis na kinuha at tinangay umano ng suspek ang shoulder bag nito na naglalaman ng isang Reno cellphone, ilang piraso ng ATM cards at cash na aabot sa P100,000.

Naaresto naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nakatakdang sampahan ng kasong robbery with frustrated homicide.

vuukle comment

RIVERVIEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with