^

Probinsiya

Welder nakuryente habang nagwewelding

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Isang 36-anyos na welder ang nasawi matapos magtamo ng matitinding sunog sa katawan nang ito ay makuryente habang nagwewelding at nahulog mula sa kinatatayuang scaffolding sa may Wilcon Depot Brgy. Paliparan 1,ng lungsod na ito.

Ang nasawi ay kinilalang si Albert Buscas,may asawa,residente ng Brgy. Paliparan 1.

Sa imbestigasyon ng pulisya,alas-12:00 ng tanghali ay  tinatapos na lang ng biktima ang pagwewelding habang ito ay nakatuntong sa ibabaw ng scaffolding sa may Wilcon Depot.

Tinawag pa umano ito ang isang kasamahan na upang magpatulong na hawakan ang dulo ng bakal upang hindi  malaglag .

Nang isinasagawa na ang pagwewelding ay bigla umanong  may pumutok sa kuryente na ginagamit nito at tuluyang nakuryente ang biktima.

Nakabitiw lamang ito nang malaglag sa scaffol­ding.

vuukle comment

ALBERT BUSCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with