^

Probinsiya

Water district officials kinasuhan

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Philippines – Pormal na sinampahan ng kaso ni City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin  Jr. ang mga opisyales ng Angeles City Water District sa tanggapan ng Deputy Ombudsman nitong Martes ng umaga.

Sa report, ang mga kinasuhan dahil sa pag­labag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act ay sina Engr. Reynaldo Liwanag, general ma-nager; Bernardo Cruz, chairman of the board of director; Fidelio Sibug, Gracela Munoz, Deogracias Sambilay III, Hernando Angeles, mga directors ng Angeles City Water District, ang sub-contractor na A.M Gatbonton Corporation; Andres M. Gatbonton pangulo at Aleth Cruz.

Matatandaan na nitong Setyembre, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng AM Gatbonton Drilling Corporation na sub-contractor ng Angeles City Water District sa Brgy. Cuayan at Brgy. Sto. Domingo matapos na ireklamo ng mga residente sa Brgy. Cuayan dahil sa masangsang na amoy at kulay kal­a­­wang ang lumalabas sa kanilang mga gripo.

Dahil dito, ininspeksiyon ng mga taga City Hall ang lugar at natuklasan ang mga paglabag ng AM Gatbonton tulad ng walang maipakitang mga business permit, National Resources Water Board permit to operate, Environmental Compliance buhat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ‘di pagbabayad ng buwis at iba pang kaukulang dokumento.

WATER DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with