^

Probinsiya

5 Vietnamese tiklo sa P15.4-M ‘endangered trees’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 Vietnamese tiklo sa P15.4-M âendangered treesâ

MANILA, Philippines — Umiskor ang pulis­ya kasunod ng pagkakaaresto sa limang Vietnamese nationals habang nakumpiska rin ang bulto ng “endangered tree species” na Agarwood na umaabot sa halagang P15.4 milyon sa magkahiwalay na operasyon sa Butuan City, Agusan del Norte nitong Huwebes ng gabi at Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat ni Caraga Police Chief P/Brig. Gen. Gilberto DC Cruz, dakong alas- 11:30 ng gabi nitong Huwebes nang unang maaresto ang mga Vietnamese na sina Nguyên Thi Chung, 40-anyos; Diêl Thi Bích Hòa, 45; at V? Vãn Trang, 34, sa isang ope­rasyon sa Grand Palace Hotel sa lungsod. Sila ay nakumpiskahan ng 2 kilo ng Agarwood at P1,874,650 cash.

Sa follow-up operation, nasakote naman noong Biyernes ng alas-5 ng madaling-araw ang mga kasamahan ng tatlo na sina Tu Quoc Vu, 35, at To Tien Phat, 22, sa Butuan City Airport. Nakumpis­ka rin sa kanila ang 20 kilo ng Agarwood o mas kilala bilang “lapnisan” na nagkakahalaga ng P4 milyon.

“The 22 kilograms of confiscated Agarwood has an estimated value of P15,400,000. We will make sure that violators will be facing charges for violation of Section 68 of Presidential Decree 705 as amended by Executive Order No. 277,” pahayag ni Cruz.

AGARWOOD

ENDANGERED TREE SPECIES

VIETNAMESE NATIONALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with