^

Probinsiya

Online seller, holdaper pala

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Online seller, holdaper pala
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 8:45 ng gabi nang maganap sa Cyber Ville Subdivision, Brgy. San Francisco ng nasabing lungsod ang insidente.

Cavite  , Philippines  —   Isa ang patay habang dalawa pa ang su­gatan matapos pagbabarilin ng katransaksyon nilang hol­daper umano na nagpanggap na nagbebenta ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Gen. Trias City, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 8:45 ng gabi nang maganap sa Cyber Ville Subdivision, Brgy. San Francisco ng nasabing lungsod ang insidente.

Nabatid na pumunta ang mga biktimang sina Jerico Oakferina, Arthur Emelo at Amiel Emelo sa nasabing subdivision dahil doon sila magkikita ng suspek na pagbibilhan nila ng motorsiklo na nakilala nila sa internet.

Pero pagkakita sa suspek ay agad itong nagdeklara ng holdap at binaril sa ulo si Emelo na nakaupo lang sa owner type jeep at binaril din ang dalawang iba pa na bahagya lang nadaplisan kaya nakatakbo at nakatakas sa suspek.

Dead on the spot si Emelo habang mabilis na tumakas ang suspek na hinahanting na ngayon ng mga awtoridad.

vuukle comment

HOLDAPPING

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with