AWOL na parak, SK kagawad timbog sa drug den
CAVITE, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat na katao kabilang ang isang AWOL na pulis at SK kagawad nang masakote ng mga otoridad sa isinagawang drug-bust operation sa isang bahay na sinasabing ginawang drug den sa Brgy. Alima, Bacoor City, ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang mga natimbog na suspek ay sina Jerome Canlea, 32, miyembro ng PNP at matagal nang AWOL, kasalukuyang safety officer sa isang construction site; Eric Navas, 21, SK kagawad ng Brgy. Banalo, sa naturang lungsod; Jayson Guilas, 35; at Elino Calara, 50.
Nakatakas naman sa nasabing operasyon ang isa pang suspek na si Federicko Felizardo, residente ng Brgy. Alima.
Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa supek sa naturang lugar na sinasabing ginawa umanong drug den.
Isang parak ang tuma-yong buyer kung saan sa kalagitnaan ng transaksyon ay nagpositibo ang mga suspek sa iligal nilang gawain.
Nang magkaabutan na ng droga ay dito na ito dinakma ng mga nakaabang na pulis ang mga suspek habang nakatakatas naman si Felizardo.
- Latest