Babaeng bihag ng Abu Sayyaf pinalaya
MANILA, Philippines – Pinalaya ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang kanilang bihag na babae kahapon ng madaling araw sa Patikul, Sulu.
Kinilala ni Armed Forces' Western Mindanao Command spokesperson Capt. Ma. Rowena Muyuela ang biktimang si Nursalyn Ahaamudin Alih na inihatid sa Sitio Kantitap, Barangay Danag bandang ala-1 ng umaga.
Nitong kamakalawa, dinukot si Alih kasama ang isa pang biktima na si Shekinah Hope Tan Hamsain na hanggang ngayon ay hawak pa ng mga bandido.
Nakilala na ng mga awtoridad ang mga dumukot sa dalawang babae na sina Ramsid Sali at isang alyas Injie.
Samantala, hindi naman matiyak ng mga awtoirdad kung nagbyad ba ng randsom money ang pamilya ni Alih.
Pagkabawi kay Alih ay dinala kaagad ito sa Camp Teodulfo Hospital upang masuri ang kalusugan.
- Latest