Mayor, 2 pa patay sa ambush, 1 grabe
MANILA, Philippines - Patay ang isang alÂkalde at dalawang iba pa makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang nag-iinspeksyon ang opisyal sa pagdarausan ng ika-25 taong anibersaryo ng kasal nito sa madugong ambush sa Brgy. Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ni Pangasinan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Sterling Blanco ang nasawing opisÂyal na si Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr., nagtamo ng mahigit 20 tama ng bala sa katawan. Patay din ang security escort nitong si PO1 Eliseo Ulanday at ang casual employee na si Edmund Meneses habang patuloy namang ginagamot sa Regional Hospital sa Urbiztondo ang grabeng nasugatang si Rex Ferrer.
Sinabi ni Blanco na si Balolong, kasapi ng Liberal Party ay dead-on-arrival sa Elguira Hospital habang sina Ulanday at Meneses ay kapwa hindi na rin umabot ng buhay sa Virgin Milagrosa University (VMU) Hospital.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni Blanco, dakong alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Rizal St., Brgy. Poblacion, Urbiztondo.
Nabatid na nag-iinsÂpeksyon sa lugar ang alkalde para sana sa gaganaping ika-25 taong aniberÂsaryo ng kasal nito at ng kanyang misis ngayong araw ( Hunyo 8) na isasabay sa kasal ng anak na si Councilor Voltaire Balolong nang paulanan ng bala ng mga armadong suspek.
Ayon kay Blanco ang mga suspek na biglang sumulpot sa lugar na sakay ng kulay abong Innova na may conduction sticker YB6600 ay pawang armado ng cal. 9mm pistol at M-16 rifles.
Narekober naman sa followup investigation ang getaway vehicle ng mga suspek sa Brgy. Caoayan Kiling, San Carlos City ng lalawigan. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
- Latest