^

Probinsiya

3 tiklo sa pekeng US Treasury Bond

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Kalaboso ang tatlong miyembro ng  sindikato makaraang makumpiskahan ng mga pekeng US Treasury Bond sa inilatag na operasyon kahapon sa Barangay Tibag, bayan ng Pulilan, Bulacan.

Sumasailalim sa tactical interrogation bago sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Rodolfo Tero, 57, retiradong enlisted personnel ng Phil.Army; Arsenio Ubatay, 57, mga nakatira sa Barangay San Benito, San Pablo, Laguna; at si Avelina Buag, 60, ng Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay P/CInsp. Reynaldo Magdaluyo­ ng CIDT-Bulacan, nasakote ang mga suspek sa inilatag ang entrapment ope­ration matapos magreklamo ang isang trader na tinangkang bentahan ng mga pekeng US Treasury Bond na nagkakahalaga ng US$3 trilyon.

Nasamsam sa mga suspek ang baul na tanso na naglalaman ng 13-tansong kahon ng US Treasury Bond na may tatak na Treaty of Versailes ng Federal Reserved Bank ng New York, New York, 3-pekeng gold coin ng U.S. Department of Treasury, 4 green card na nagkaka­halaga ng US$.4 milyon, mga larawan nina Pres. Barack Obama at suspek na si Tero, iba’t ibang dokumento at ang kotse (WLU-110) na ginamit sa modus operandi.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa U.S. Embassy sa Manila kaugnay sa nakumpiskang mga pekeng US Treasury Bond.

ARSENIO UBATAY

AVELINA BUAG

BARACK OBAMA

BARANGAY MALHACAN

BARANGAY SAN BENITO

BULACAN

NEW YORK

TREASURY BOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with