^

Probinsiya

Pastor tiklo sa kasong ‘pangmomolestiya’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 51-anyos na pastor matapos itong ireklamo ng isang miyembro ng sekta ng kanilang relihiyon sa kasong act of lasciviousness sa Barangay Washington, Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng police regional office, ang suspek na si Pastor Simeon Rojo ng Charismatic Gospel Assembly Church at nakatira sa Barangay San Jose, bayan ng Del Carmen sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Gamba, si Rojo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dan Calderon ng Regional Trial Court Branch 32 sa kasong acts of lasciviousness.

Ang nasabing pastor ay inireklamo ng isang miyembro ng kanilang relihiyon na itinago sa pangalang Nena na sinasabing minolestiya nito matapos na hipuan sa maselang bahagi ng katawan.

Gayon pa man, pansamantalang nakalaya si Rojo matapos itong makapagpiyansa ng P.2 milyon.

Samantala, determinado naman ang pamilya ng biktima na isulong ang kaso laban sa suspek.

BARANGAY SAN JOSE

BARANGAY WASHINGTON

CHARISMATIC GOSPEL ASSEMBLY CHURCH

DEL CARMEN

JUDGE DAN CALDERON

MARTIN GAMBA

PASTOR SIMEON ROJO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROJO

SURIGAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with