^

Probinsiya

Pulis-SPD nabiktima ng tirador ng motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang pulis ang nabiktima ng isang kilabot na “motornapper” matapos tangayin ang kanyang Suzuki raider na naka-park mismo sa harapan ng kanyang bahay kamakalawa sa Brgy. Sampalok 2, Dasmariñas City.

Nakilala naman ang suspek sa pamamagitan ng CCTV camera na si alyas “Jomar”, 32-anyos, ng Naga Road, Evacom, Talon Dos, Las Piñas City, na tinutugis na ng pulisya.

Sa salaysay ng biktimang si Police Staff Sergeant Romulo Nestro, 37-anyos, nakatalaga sa Southern Police District (SPD)at residente ng Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City, Ca­vite, alas-3:20 ng mada­ling araw nang umuwi umano siya galing sa duty at iniwan ang kaniyang Suzuki Raider 150, 2015 model sa harap ng kanilang bahay.

Dakong alas-7 ng umaga nang gumising ang nasabing pulis at nang puntahan ang kanyang motorsiklo ay dito na nadiskubre na nawawala na. Agad nitong ni-review ang kanilang CCTV footage at dito niya nakita ang pagtangay ng suspek sa nasabing sasakyan.

vuukle comment

DASMARIñAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with