^

Probinsiya

Bangka lumubog sa Quezon, 7 nasagip

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PATNANUNGAN, Quezon, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan at nakauwi na sa kanilang pamilya ang 7 tripulante ng isang cargo moto­rized banca na lumubog sa karagatang sakop ng ­bayang ito dahil sa malalaking alon kamakalawa.

Ayon sa Philippine Coast Guard-Northern Quezon, alas-10:15 ng umaga ay nakatanggap sila ng report na merong lumubog na cargo ship.

Mabilis na tinungo ng CGS ang lugar at sa tulong ng MB JRAMS, MB Jovelle at iba pang flatboat ay na-rescue nila ang mga tripulante ng MB Krystal Faith.

Ayon sa salaysay ng mga tripulante sa mga otoridad, patungo sa Atimonan, Quezon ang cargo banca na kanilang sinasakyan upang kumuha ng mga produktong paninda sa Patnanungan, Quezon nang hampasin sila ng malalakas at malalaking alon hanggang sa lumubog.

Nahila na rin ng PCG ang motorized banca patungo sa pampang ng Patnanungan, Quezon.

CARGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with