^

Probinsiya

Obrero kinatay ng katrabaho dahil sa selos

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang construction worker makaraang saksakin ng katrabaho ng dahil umano sa selos kamakalawa ng gabi sa Brgy Taywanak Ilaya, bayan ng Alfonso, dito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christopher Reyes, 35-anyos, stay-in construction worker sa Brgy. Taywanak Ilaya ng nasabing bayan habang naaresto ang suspek na si alyas “Biboy”, 32-anyos, kasamahan ng biktima at stay-in din sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:10 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang tatlo pang katrabaho nang magkainitan ang dalawa.

Dahil sa kapwa lasing na, hindi na maawat ang dalawa sa kanilang away hanggang sa damputin ng suspek ang patalim at itinarak sa biktima.

Naitakbo pa ang biktima sa Poblete Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival habang nadakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Selos ang lumalabas na motibo sa krimen na hindi pa idinetalye ng pulisya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with