^

Probinsiya

16-anyos stude pumalag sa rape, pinagsasaksak!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
16-anyos stude pumalag sa rape, pinagsasaksak!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Christine, residente ng South Square Village, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite.
STAR/File

Bumili lang ng load, kinaladkad sa damuhan

CAVITE, Philippines — Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante makaraang magtamo ng hindi bababa sa tatlong saksak sa katawan nang manlaban ito sa isang lalaking nagtangkang gahasain ang biktima, kamakalawa ng gabi South Square Village Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Christine, residente ng South Square Village, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na matapos pagsasaksakin ang biktima ay mabilis na tumakas. Nakasuot umano ito ng green t-shirt at pulang short pants.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11 ng gabi habang naglalakad pauwi ang biktima galing sa isang convenience store para magpa-load nang bigla siyang harangin ng ‘di kilala lalaki na armado ng patalim at agad siyang dinala sa madamong bahagi at tinangkang gahasain.

Kahit nasa panganib, nagawang manlaban ang biktima at nagsisigaw ng tulong dahilan upang agad siyang undayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek bago mabilis na tumakas.

Agad na nagdatingan ang mga residente at brgy. officials sa nasabing lugar at mabilis na isinugod ang biktima sa Divine Grace Hospital.

vuukle comment

CAVITE

GENERAL TRIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with