^

Probinsiya

Imus City jail ni-raid ng Napolcom, IMEG

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

Sa mga reklamong katiwalian

CAVITE, Philippines — Nasa “hot water” ang hepe ng Imus City Police Station at iba pang police jail officers nito kasunod ng ginawang pagsalakay ng National Police Commission (Napolcom)-Calabarzon at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG)-Luzon sa custodial facility ng nasabing istasyon bunsod ng mga reklamong katiwalian, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Atty. Owen de Luna, Napolcom-Cala­barzon regional director, ang officer-in-charge ng Imus City police ay maaa­ring managot sa kasong administratibo sa ilalim ng doktrina ng command responsibility at iba pang tauhan ng pulisya kabilang ang mga duty jail guards na nakatalaga sa custodial facility sa lumang istasyon ng pulisya habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon ng Napolcom.

Sa kabila nito, sinabi ni Lt. Col. Louie Dionglay, OIC ng Imus Police Station, wala siyang alam tungkol sa sinasabing mga iregularidad sa loob ng lock-up jail ng Imus Police at idinagdag na magsasagawa siya ng sariling pagtatanong sa mga tauhan at mga preso habang nangakong ipatutupad ang mga tagubilin at rekomendasyon ng Napolcom.

“Natuklasan namin na may mga iregularidad sa loob ng custodial facility kung saan humigit-kumulang 68 Persons under Police Custody (PUPC) ang nakakulong doon,” sabi ni De Luna sa PSN.

Nabatid na nagkasa ng paunang operasyon ang IMEG at isa nilang organic personnel ang nagpanggap na kaanak ng isa sa mga nakakulong sa naturang custodial facility. Matapos na magbayad ng kaukulang halaga (marked money), agad na nag-go-signal ang undercover IMEG officer sa pamamagitan ng text message sa mga kasamahan bilang pagsisimula ng raid.

Pinasok ng Napolcom at IMEG-Luzon operatives sa pamumuno nina Col. Joseph Fajardo at Lt. Joselito De Guzman, IMEG-Calabarzon head na may back-up ng walong kasapi ng Special Action Force, ang custodial facility ng Imus Police Station sa Barangay Malagasang 1, Imus City, nitong Martes ng hapon.

Walang jail police officers at iba pang indibiduwal na inaresto sa nasabing operasyon, gayunpaman, kinumpiska ng Napolcom at IMEG probers ang ilang mahahalagang dokumento bilang ebidensya sa isinasagawang imbestigasyon, sabi ni De Luna.

Bago ang operasyon, lumutang sa tanggapan ng Napolcom ang isang complainant, kamag-anak ng isa sa mga detainee, at inirereklamo ang mga jail personnel at iba pang indibidwal, dahil sa dini-delay umano nila ang pagpapalaya sa nakapiit na kamag-anak, sa kabila ng pagkakaroon na ng court release order nito.

Ibinunyag na pinagbabayad din ang mga dalaw bago sila payagang bisitahin ang kanilang kamag-anak na nakakulong. May kapalit din umanong halaga sa bawat detenido para naman sa komportableng espasyo ng pagtulog o kama, at maging sa supply ng pagkain.

NATIONAL POLICE COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with