^

Probinsiya

Anak ng retired police pumalag sa raid, utas

Cristina Go-Timbang Cavite - Pilipino Star Ngayon

Cavite , Philippines   â€“ Patay ang anak ng isang retiradong pulis at nasa talaan ng most wanted person matapos na pumalag at mabaril ng mga operatiba ng pulisya na magsisilbi ng search warrant laban sa kanyang ama kamakalawa sa Brgy. Galicia 3, Mendez, lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Rusky Casipe alias Ivan, na napag-alamang nasa talaan ng No. 1 Most Wanted Persons sa bayan ng Mendez, ng Brgy Galicia 3, Mendez, anak ng target sa search warrant na si SPO1 Ricardo Casipe, isang retiradong police officer.

Sa imbestigasyon ni PO2 Cedrick Mojica, alas-4 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang Mendez Police station kasama ang SWAT team, mga opisyal ng barangay at ilang mediamen sa bahay ng retiradong pulis dahil sa kasong paglabag sa RA 8294. 

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Lerio C. Castigador, sumugod ang nasabing joint force sa bahay ni Casipe subalit bigla na lamang umanong lumabas si Rusky at pilit na hinaharang ang paghuli sa kanyang ama at binaril ang mga pulis ng kanyang maiksing baril na suwerte namang hindi pumutok. Dito, napilitang gumanti ang mga pulis at binaril ang suspek

Narekober ng pulisya ang isang calibre colt defender series 90,(serial number 457689) na may kargang limang bala. Nakuha sa kuwarto ni Rusky ang isang strip ng aluminum foil na may tanda ng puting crystalline substance na mas kilala sa shabu.

Narekober naman sa bahay ng mga Casipe ang walong bala ng US Carbine rifle at isang empty magazine ng kalibre 45.

Dinakip si SPO1 Casipe at kasalukuyang nakakulong na nahaharap sa kasong pag­labag sa RA 8294 o ille­gal possession of ammunition.

 

BRGY GALICIA

CASIPE

CEDRICK MOJICA

JUDGE LERIO C

MENDEZ

MENDEZ POLICE

MOST WANTED PERSONS

NAREKOBER

RICARDO CASIPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with