Parent-Teacher Association president timbog sa buy-bust ng PDEA
MANILA, Philippines – Nasakote ang isang pinuno ng Parent Teachers Association matapos mahuling nagtutulak ng droga sa Sarangani province, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakilala ang suspek na si Antonio Catingub, PTA President ng Malandag National High School, nang madakip sa buy-bust operation ng PDEA.
Nahuli sa aktong nagtutulak ng droga ang 40-anyos na suspek matapos pagbentahan ang undercover agent ng PDEA Regional Office 12 Sarangani Province Special Enforcement Group nitong Enero 17.
Napag-alamanan na isa ring kolektor ng National Irrigation Authority si Catingub.
"Catingub is classified as a high-value targeted drug personality since he is a government worker engaged in peddling illegal drugs. Reports revealed that Catingub is the current president of the parent-teacher association of Malandag National High School," banggit ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest