^

Probinsiya

Rosal diniskwalipika ng Comelec bilang kandidatong gobernador ng Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines —  Tuluyan nang diniskwalipika ng 2nd division ng Commission on Elections ang kandidatura o pagtakbong muli sa pangalawang pagkakataon ni dating ni dismissed governor Noel Rosal bilang gobernador ng Albay sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.

Sa 15-pahinang ru­ling ng 2nd division ng Comelec na pirmado ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo, Commissioner Rey Bulay, at Commissioner Nelson Celis, binigyang diin na ang pagkaka-dismiss sa serbisyo ni Rosal dahil sa administrative case ay nagdidiskwa­lipika rin sa kanya na tumakbo sa anumang elective position.

Si Rosal ay una nang dinismis ng Ombudsman bilang gobernador ng Albay noong Agosto 29, 2024 matapos sampahan ng kaso ng lokal na brodkaster na si Adrian Nacion Loterte dahil sa grave misconduct at oppression dahil sa ginawang iligal umanong reassignment nito sa tatlong kawani ng lokal na pamahalaan ng lalawigan.

At noong Oktubre ay nagsampa naman ng disqualification case ang isa pang lokal na brodkaster na si Josefino Valenzuela Dioquino sa Comelec-Manila upang pigilan ang muling pagtakbo ni Rosal sa darating na gubernatorial election sa Mayo, 2025 election kung saan naging basehan ay ang pag-dismiss sa kanya ng Ombudsman dahil sa paglabag sa Civil Service Commission rules.

Magugunita na unang natanggal ang naturang opisyal bilang gobernador noong Disyembre 1, 2022 at pinalitan ng noo’y bise gobernador na si Gov. Edcel Greco “Grex” Lagman makaraang idiskwalipika naman ito ng Comelec Enbanc kasama ang kanyang asawa na si dating Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal bilang kandidato noong Mayo 9,2022 elections dahil sa paglabag nila sa omnibus election code makaraang mamigay ng ayuda sa mga senior citizen at tricycle driver na pasok na sa Comelec ban.

NOEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with