^

Probinsiya

Misis pinatay ng mister saka nag-suicide

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang 33-anyos na misis ng kanyang mister bago ito nag-suicide matapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng umaga sa Barangay Tobod, bayan ng Barili, Cebu.

Sa ulat ni PO3 Dennis Jacalan ng Barili PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:25 ng umaga kahapon nang matagpuan ang mag-asawa na kapwa duguang nakabulagta at may tama ng bala sa kanilang ulo.

Kinilala mag-asawa na sina Marictel Georondoy, at Rodelito Georondoy, 34, magsasaka, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ni PO3 Jacalan na posibleng binaril muna ni Rodelito ang kanyang misis bago ito nagbaril sa sarili.

Sa salaysay ng mga magulang ni Marictel, dakong alas-8 ng gabi kamakalawa nang kunin niya ang kaniyang mga apo dahil nag-aaway ang mag-asawa upang hindi na madamay sa sigalot.

Ayon naman sa paha­yag ng mga kapitbahay, nakarinig sila ng mga putok ng baril na nagmula sa bahay ng mag-asawa.

Kinabukasan ay nag-usyoso ang ilang kapitbahay at dito na nadiskubre ang krimen na kaagad na ini-report sa pulisya.

Narekober ng mga ope­ratiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang cal.45 pistol at cal. 357 magnum na may magazine at dalawang bala.

AYON

BARANGAY TOBOD

BARILI

CAMP CRAME

CEBU

DENNIS JACALAN

MARICTEL GEORONDOY

RODELITO GEORONDOY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with