Suspek sa pagpatay sa mag-live-in tiklo
Camp Nakar, Lucena City, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang pangalawa sa Most Wanted Persons sa CALABARZON Region at isa sa pangunahing suspek sa pamamaslang sa mag-live-in partner sa Mauban, Quezon matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Sitio Abandon, Barangay Lual, Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si alyas “Bunganga,” 36, walang trabaho at residente ng Barangay Bagong Bayan, Mauban Quezon.
Ayon kay PMaj. Hubert Jabrica, Chief of police ng Mauban Municipal Police Station, sa isinagawang preventive search matapos ang pag-aresto dakong alas-8:20 ng gabi kay Bunganga ay nakumpiskahan ito ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 1.46 gramo at halagang P9,928,00, gayundin ang isang itim na coin purse at isang kutsilyo.
Bukod sa kinakaharap na kasong murder, inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.
Ayon sa record ng Mauban MPS si Bunganga ay kabilang sa mga indibidwal na tinukoy ng mga saksi na sangkot sa pagpaslang negosyanteng si Nelson at live-in partner nito na si Remy sa Mauban noong Agosto 27, 2026.
Nauna ng sumuko sa himpilan ng pulisya noong Agosto 30,2026 ang anak na babae ni Nelson na si Ineng na sinasabing mastermind sa krimen.
- Latest

















