^

Probinsiya

Ex-partylist solon todas sa parking boy!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagbigay ng barya…

MANILA, Philippines – Patay si dating United Movement Against Drugs Party-list Representative Teodoro Lim matapos pagsasaksakin ng parking boy dahil sa hindi pagbibigay ng barya sa may parking lot ng isang mall sa Antipolo City, Rizal noong Nobyembre 17, ayon sa ulat.

Arestado na ng Antipolo Component City Police Station (CCPS) ang suspek na si alyas “Boyet” sa kanyang bahay sa Angono, Rizal sa isinagawang hot-pursuit at forward tracking sa mga kuha ng CCTV.

Naganap ang insidente bago mag-alas 2:00 ng hapon ng Nobyembre 17, 2026 sa parking lot sa tabi ng sasakyan ng biktima na nakaparada sa parking lot.

Nag-ugat ang pananak­sak nang hindi umano magbigay ng barya ang biktima kaya sinundan ang biktima sa sasakyan.

Sinabi ng suspek sa mga awtoridad sa halip na magbigay ng barya ay binangga diumano siya ng pinto ng sasakyan kaya nagalit siya at nauwi sa pananaksak.

Nang arestuhin ang suspek, nakitaan pa siya ng sugat, na indikasyong nakipagpambuno sa kanya ang biktima. Narekober din ang wallet at cellphone ng biktima, maging ang isang duguang damit ng suspek, na nadiskubre sa bahay niya.

Ayon sa Antipolo Police, natunton ang suspek nang mapanood ang footages ng CCTV na nakita ang pagsakay sa tricycle ng suspek matapos ang pananaksak.

Nakatakdang sampahan ng kasong homicide o robbery with homicide ang suspek.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with