^

Probinsiya

Babaeng Grade 9, binugbog ng 6 kaklase!

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Tinawag na ‘buwaya’, ‘bobo’, ‘malandi’

MANILA, Philippines — Isang Grade 9 student ang binugbog ng anim na lalaking kaklase sa loob mismo ng kanilang silid-aralan habang wala ang kanilang guro sa Malinao, Aklan nitong Martes.

Ayon sa 15-anyos na babaeng biktima, iniwan sila ng kanilang guro dakong alas-2:30 ng hapon matapos bigyan ng gawain at utusang magligpit. Dito na umano nagsimula ang pang-aasar sa kanya ng mga kaklase na tinawag siyang “buwaya,” “bobo,” at “malandi” bago siya binato ng tsinelas.

Tinangka umano ng biktima na ibalik ang tsinelas sa pamamagitan ng paghagis nito palabas ng silid-aralan, ngunit bigla siyang dinumog at pinagtulungang bugbugin ng anim na lalaki.

Nagtamo siya ng mga pasa at pananakit sa ulo at likod na naging sanhi ng pagkahilo at panlalabo ng paningin. Tinangka pa umano ­niyang kumuha ng upu­an upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga umaatake.

Sinabi rin ng biktima na hindi ito ang unang pagkakataong nakaranas siya ng pambubully. Noong Grade 8 pa lamang siya ay nakaranas na siya siya ng pambu-bully at hinampas na rin umano siya ng upuan sa ulo dahilan para uminom siya ng maintenance na gamot para sa kanyang ulo.

Dahil sa insidente, humihingi ng hustisya ang ina ng estudyante at humingi na ng tulong sa Malinao Police at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

GRADE 9

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with